Jeje + Mon = Evil?
Lj Salceda
Kung may FB account o cellphone ka, malamang nakatanggap ka na ng ganitong babala:
based on research: word jejemon came from 2 Greek words....JEJERIUS-means follower, the doer of the command of someone by writing and MONNIUS- means the believers of Satan who have the capability to empower the mind of people..so JEJEMON means follower of Satan who empower the mind of the people by writing.. spread the news…
Mga kapatid, hinay-hinay lang sa pagba-brand at panghuhusga sa mga tao at bagay.
Hindi dahil ‘di mo maintindihan ay sa dyablo na.
Hindi dahil ‘di mo alam ang pinanggalingan ay sa demonyo na.
Hindi dahil ‘di ka maka-relate ay masama na.
Higit sa lahat hindi dahil sinabi ng iba na kay Satanas ay sa kanya na nga ito.
Totoo may mga bagay na ginagamit ng dyablo, pero ang SALITA- kakayahang magsalita, makabuo, gumamit at mag-interpret nito ay galing sa Diyos. Dahil S'ya ang may lalang sa atin.
Ayaw ko rin sa jejemon, pero I don’t believe that they are of or from the devil. Iisa-isahin ko ang rason bakit ayaw ko sa jejemon:
Una, ni hindi nga natin ma-perfect o ma-improve ang ating gamit sa English o Filipino language, nag-aambisyon pa tayong haluan ito ng ibang salita? Kamusta naman yun?
Pangalawa, kung ano ang madalas mong i-practice, yung ang magiging habit and eventually lifestyle mo na. Paano ka magsusulat ng matino sa klase, sa opisina, sa church kung jejenese ang gamit mo?
Pangatlo, isang salita o lenggwahe na nga lang ang gamit natin pero di pa tayo nagkaka-intindihan at nagbabangayan pa dahil sa misunderstanding o miscommunication o misinterpretation, dadagdagan mo pa?
At panghuli, tumatanda na talaga ako kaya plain and simple wala ng “attraction” sa akin ang ibang lingo. :)
Sa kabila ng mga rason na binigay ko, ni MINSAN di ko sinabing sa DYABLO ang JEJEMON. Bakit? Una, buhay at makapangyarihan ang mga salita. Pwedeng jejemon ang uso ngayon, bukas makalawa iba naman ang pangalan nito. Pangalawa, dahil 'di ko pa napag-aaralan at wala akong basehan para gumawa ng konklusyon. At higit sa lahat ayaw kung manghusga dahil hindi yan ang role ko sa mundong ibabaw.
Kung nakinig ka sa interview namin kay Komisyoner Carmelita Abdurahman ng Komisyon ng Wikang Filipino, ginawa n’yang halimbawa ang salitang “lagay”. Sa salitang Waray ito raw ay genitals ng lalaki. Samantalang sa mga Tagalog, ito ay tumutukoy sa kondisyon o suhol (negatibong gamit o kahulugan). Kaya kung gagamitin mo ito sa isang tao o lugar na Waray ang salita siyempre iba ang intindi nila rito.
Sa pagkaka-alam ko hindi GREEK ang pinanggalingan ng JEJEMON at hindi rin naman mga GRIYEGO ang nagpasimuno nito kundi mga kabataang Pinoy. (Correct me if I’m wrong.) Wikipedia has its own origin and explanation about this phenomena. Totoo, may mga kahalintulad tayong salita sa ibang lenggwahe pero, iba ang gamit at konteksto nila sa mga ito, bakit ito ang gagamitin nating panukat sa ating mga kababayang Jejemon o Bekimon? Bakit mo gagamitin ang “root word” na Greek (jejerius/monnius) sa Filipino context? Siyempre iba ang meaning ng JEJEMON sa kanila kumpara sa atin.
Sa Bicol ang salitang “antak” ay sitaw sa Tagalog, sa Pampanga ay genitals din ito ng babae. (O yan, sex education na tayo!) Pero bakit ‘di natin sinasabi na sa dyablo ito? Dahil may iba-iba tayong gamit sa mga salita at letra depende sa grupo ng tao at sa lugar. O eto, alam mo ba ang kahulugan ng ababa-shi-kata-baba-andi? Di ko rin alam, pero yan ang ilan sa mga salitang naririnig ko pag may nag-i-speaking in tongues na walang translation. Kahit di ko maintindihan, I respect those who speak in tongues at kahit ‘di nila i-explain I won’t call them evil unless sabihin ng Diyos na evil sila. Baka, speaking in-tongues is their way of being intimate with the Lord or expressing their thoughts/emotions to God.
Sa mga close na magkaka-ibigan o magkakakilala, may meaning ang kung minsan ay ordinaryong salita na sila-sila lang ang nakaka-intindi dahil may sarili silang gamit dito. Halimbawa sa magboyfriend/girlfriend, nagtatawagan sila ng gummy bear ('di dahil makunat sila) o tawag ko sa isa kong kaibigan miswah ('di dahil masabaw s'ya.)
Ang salita ay salita lamang hanggat bibigyan mo ito ng kahulugan o meron kang i-a-associate na isang bagay dito. Ang bawat tao at lugar ay may kanya-kanyang kahulugan at gamit sa mga salita. Hindi dahil masama o negatibo ang isang salita sa iyo ganun na rin ito sa iba.
Pag-aralan muna natin ang mga bagay-bagay. ‘Wag basta padalos-dalos sa pagkakalat ng maling impormasyon. Sa halip na magka-unawaan at magka-isa tayo lalo lang tayong nagkakahati-hati at nag-aaway. Sa halip na maka-akay tayo, tayo pa ang nagtutulak sa iba palayo. Sa halip na maging instrumento tayo ng pag-ibig at kapayapaan, husga at panlalait ang nangagaling sa atin. Ano ba naman yan?
Hinay-hinay lang kaibigan. Kung masama, ipaliwanag natin bakit ito masama. Kung mali, baka naman spelling lang ang mali o ang utak lang natin ang 'di maka-gets.
Is Jejemon or Jejenese evil, I don’t think so but being judgemental is. (James 4:11)
God bless you ms. lj. minsan naaawa ako sa mga taong hinuhusgahan ng lipunan for being a jejemon. i have this experience na isa sa mga member ko na youth ang pinagsisigawan ng jejemon ng mga tambay. naramadaman ko ung awa sa member ko dahil sa ginawa sa kanya. pero mas naawa ako sa mga taong nanghusga sa kanya. well buti na lang God doesnt look at what man looks at. thanks for this post.
ReplyDeletethanks for the post LJ! nakakalungkot minsan how we become so judgemental of others just because we don't like them...
ReplyDeletepwede ko po bang i-copy itong post mo? i would like to print it para i-share sa mga youth sa church namin. if that's ok with you? thanks..
Garrie's Mom -> No prob po. Just link it here or acknowledge that it's from me. Thanks po! :)
ReplyDelete. . .opoh tma ngah nman poh ate lj. .
ReplyDeleteALAM NIO PO,..NGKAMALI PO AKO KASI GANUN NA LANG UNG JUDGE KO SA MGA JEJEMON,..THANKS PO KC NKARELATE AKO SA MESSAGE NIO...KHIT PO MARAMING KAIBIGAN KO ANG MGA JEJEMON
ReplyDeleteKLANGAN KO SILANG INTNDIHIN AYOKO KSING DHIL SA JEJEMON XA AT AUKO SA LENGUAHE NIA EH MASIRA PA PAGKAKAIBIGAN NMIN THANKS FOR THIS MESSAGE ATE LJ..
ALWAYS STRIKER
Siguro yung side na pinanggalingan ng grupo ang dapat na makita at malaman natin para lahat ay makarelate dito, dahil hindi lang naman sila ang pinanggagalingan ng masamang espiritu kung tutukuyin ang kinahihinatnan ng masamang isipan o gawain ng grupo kung ito ang palagay ng iba. Lahat tayo ay may isipan na hindi ganap sa kabutihan ng Diyos, dahil nga wala pa si Jesukristo na maghahari para sa tunay at ganap na Kapayapaan. Minsan sa kanyang pangako ay nagbibigay sya nang sitwasyon na ilalapit ang ating magandang budhi sa pagiging pagpapala sa iba, dahil sa ating pagpapakumbaba, sa nagawa o naisip na kasalanan. Salamat na lamang sa Diyos at ang pangako Nya sa bawat isa ay nagbibigay ng pagasa sa ating buhay sa pagkilos ng espiritu santo at tulong nito sa pagbibigay lakas ng loob na gumawa at masanay na maging kagalakan ang mga himala na masasabing natural na sitwasyon pero normal na kumilos at gumawa Sya doon dahil sa pangako sa lahat ng umiibig sa kanya. Kailangan natin na hindi tayo panggalingan ng kasalanan ng iba... Soulamat... 7777deune
ReplyDeletethanks te lj....well hndi ko tlga naicp n gling to s evil n slita...kc tau lng nmn dng mga pilipino ang gumwa ng slita n un eh....God bless po ate...
ReplyDeleteow. maraming salamat sa enlightenment. let's redeem the art of writing, or merely promote the art or science of correctness. God bless you!
ReplyDeletetama po kayo ate lj,pero gusto ko pong maintindihan natin na wika ang isa sa mga ginagamit ng kaaway upang sakupin ng walang kalaban laban ang isang tao.
ReplyDeleteganyan po tlg mis lj ang pinoy sobrang mlikhain even s word spoken ky sn po wg husgahan bagkus unawain try n subukan dn mging jejemon p minsan2 okmpo and thanks s post nyu,,,,
ReplyDeletehello po ate lj..
ReplyDeleteako po yung nagshare nyan...di ko nman po sa jinajudge yung jejemon..
wanna share lng kung tlga bang tma yung txt na finorward skin nung frend ko kung tunay yung meaning ng jejemon..dahil kahit ako di ko maintindihan yang jejemon or bekimon...thanks po sa blog...naintindihan ko na po xa ngeon..Godbless u po..
hi po te lj..
ReplyDeleteur ryt te..there are people n judgemental at sunod s kung ano ang sbhin ng iba..i wish n may taong makap-explain where this jejenese came from at pno ito lumganap..more power and GOd bless you.Sayang wala n po akong radio kaya d n ako nkkpakining ng dzas
i supposed we should be reflective sometimes,try not to be judgemental.i for one dislike this jejemon lingo,it is scary and it deviates the language we are used too.it would only create distractions on the part of the young ones,specially the little kids.maybe this will pass,let's just be prayerful that God will interceed on matters like this...i know He will...in time.
ReplyDeleteyep, it's a little saddening because most people are so judgemental.. pero nature na yan sa bawat tao. wla na taung magagawa para bguhin un pero may mgagawa tau para maitama un.. well thanks for this blog, for reminding every1 of being judgemental to jejemons or evrything that passed through their life and most of all being submissive to everything they saw.. (thumbs up! LJ Salceda)
ReplyDelete..hahai..
ReplyDeleteuN pLa mEaniNg ng jEjEmon..
wew!!
kAkAtakot nAmAn///
iSa pa naman mE xA mGa jEjEmon...
pWu di ako gAnUn..
jejejejeje!..